Sunday, April 19, 2020
PananaliksikReference Essays - Actors, Filipino Actors,
KABANATA I Rasyonale Sa panahon kung saan lahat ng kabataan ay tila alam na ang lahat ng bagay sa mundo, hindi maiiwasan ang sakitan at samaan ng loob. Sa mabilis na pag-ikot ng mundo kasabay ng mabilis na pagkatuto ng mga tao sa anumang bagay sa kanyang paligid, laganap ang isang di pangkaraniwang suliranin na kung saan ang mga kabataan ang madalas na nabibiktima rito. Ang kabataan ay namulat sa tinatawag na "bullying". Ang pag-uugali ng isang bata ay nakukuha sa mga kaugalian ng mas nakakatanda sa kanila, mga nagaganap sa kanyang sarili o kanyang kapaligiran. Halimbawa ng mga pangyayaring nakakaapekto sa bata ang pasya ng mga magulang na maghiwalay, paglipat ng paaralan, at pagkaligalig (istres o presyon). Ang pambubully at paulit-ulit na panunukso ay isang agresibong pag-uugali na nagdudulot ng negatibong epekto sa taong dumaranas nito. Ito'y maaaring human tong sa depresyon na maging sanhi ng pakawalang-tiwala sa sarili o di kaya ay pagkamatay. Nakakagambala ito sa kaginhawaan o kagalingan at pag-unlad ng batang may ganitong asal at maging sa batang naaapi. Paglalahad ng Suliranin Ang pananaliksik na ito ay isinagawa bilang pagtugon sa isang pangangailangang makapangalap ng impormasyon upang magbigay kaalaman at magpalaganap ng awareness sa bawat indibidwal na may kinalaman sa isyung tinatalakay sa pag-aaral na ito. Nais nang pag-aaral na ito na matuunan ng pansin ang suliraning ito na patuloy ang paglaganap sa ating mga paaralan. Sa pamamagitan ng pagsulat ng pamanahong papel na ito, madagdagan pa ang mga malalaman ng mga mambabasa ukol sa isyung ito. Ang mga sumusunod ay mga tiyak na katanungang inaasahang matugunan sa pag-aaral na ito: 1. Ano ang bullying? 2. Anu-ano ang mga katangian ng mga taong binubully at nambubully? 3. Bakit may nambubully? 4. Sinu-sino ang kadalasan nagiging biktima ng pambubully? 5. Ano ang dapat gawin kung ikaw ay naging biktima ng pambubully? 6. Paano mapipigilan ang pambubully? 7. Anu-ano ang mga batas tungkol sa bullying? Saklaw at Delimitasyon sa Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pagkalap ng datos at saloobin ng mga mag-aaral sa usaping "bullying" sa Antas Tersyarya sa Asian College of Technology, Lungsod ng Cebu, isang pribadong mas mataas na institusyong edukasyonal na binubuo ng iba't ibang kolehiyo tulad ng Computer Studies, Business Studies, Arts and Sciences, Education, Engineering, at Nursing. Ang pag-aaral ay sumsaklaw sa dalawampo (20) mga respondente na mga mag-aaral ng Asian College of Technology na pawang may kursong Bachelor of Science in Information Technology. Kabilang dito ang walong (8) kababaihan at labindalawang (12) kalalakihang mag-aaral. ----------------------- Epekto ng Pambu-bully 6 lalong pinahahalagahan ng kanilang grupong kinabibilangan at mas "appealing" sa mga grupo ng kababaihan. Sinasaad naman sa teoryang "attraction" ni Bukowski, dahil sa kagustuhan ng mga kabataang mahiwalay sa kanilang mga magulang, sila ay naaakit sa ibang mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang nagpapakita ng kalayaan, (hal. pagpapabaya, pagka-agresibo, at pagsusuway) at hindi naman sila gaanong naaakit sa mga kabataang nagtataglay ng mga katangiang higit na naglalarawan ng pagkabata o "childhood", (hal. pagkamasunurin) (Bukowski et al., 2000, Moffitt, 1993). Ayon sa mga may-akda, naiimpluwensyahan ng mga "peer group" ang mga kabataan sapagkat naaakit sila sa pagkaagresibo ng mga ito. Konseptwal na Balangkas Nabuo ang konsepto ng pananaliksik na ito sa pamamagitan ng pagbatay sa mga ginamit na teoryang nakalap ng m ananaliksik. Ayon sa teoryang "ecological systems" ni Bronfenbrenner, ang isang mag-aaral ay nasa pinakasentro ng lipunang kanyang kinabibilangan kung saan malaki ang posibilidad na maimpluwensyahan siya ng mga indibiduwal na nasa kaniyang kapaligiran. Ang mga kagawian o kaugalian na makukuha niya rito ay maaaring magdulot sa kaniya ng mga tuwiran o mga di-tuwirang epekto. Nahinuha ng mananaliksik na isa iyon sa mga dahilan kung bakit may mga batang nambu-bully at nabu- bully kaakbay na rin ng teoryang "dominance" ni Pellegrini at teoryang "attraction" ni Bukowki. Kaya naman, nagtulak ito sa mananaliksik na alamin ang mga epekt ong dulot nito sa ibat ibang aspeto ng isang indibiduwal partikular na sa pisikal, mental, sosyal at moral. Nais din ng Epekto ng Pambu-bully 7 mananaliksik na tukuyin ang mga dahilan sa pananaw ng mga biktima at ang mga pamamaraang isinagawa nila upang maiwasan ito. Kung kayat naghanda ang mananaliksik ng isang bukas na talatanungang sarbey na magdidikta sa mga sagot sa suliranin ng pag-aaral. Metodolohiya ng Pananaliksik Ang mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong metodo sa kwantitatibong uri sa pangangalap ng datos. Ang metodong
Subscribe to:
Posts (Atom)